Breaking News
recent

Look : Tawag ng Tanghalan Grand Champion Noven Belleza Inaresto dahil kasong Panggagahasa

Inaresto ang "Tawag ng Tanghalan" grand champion na si Noven Belleza, 22, sa Cebu dahil sa reklamong rape.

Kinumpirma ito ni Chief Inspector Jacinto Mandal Jr., head ng Mabolo Police Station sa Cebu City, sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa pamamagitan ng telepono, ngayong Lunes ng umaga, July 17.

Pahayag ni Mandal, “Actually, I cannot expound about this case because this is considered as a private crime.

“I cannot divulge you the name of the victim.

"Kilala mo na naman ang suspect, pero I cannot give you the specifics."
Ito ay kasunod ng natanggap na impormasyon ng PEP na nahuli raw ang singer sa Cebu dahil sa reklamong panggagahasa at kasalukuyan daw itong naka-hospital arrest.

Kimumpirma ni Mandal na nasa isang pribadong ospital ngayon si Noven dahil sa pananakit daw ng dibdib nito.

Habang kausap ng PEP ang Mabolo Police chief, nasa harapan daw niya ang biktima at mga magulang nito dahil nakatakda silang magsampa ng reklamo sa korte laban sa singer bandang alas-dos ng hapon ngayong araw.
Advertisement
THE ALLEGED RAPE COMPLAINT. Ayon sa pulisya, nabuo raw ang planong pag-aresto sa singing champ matapos nilang makausap ang biktima.

Sa ulat pa rin ng The Freeman, 19 years old daw ang biktima na isang local performer sa Cebu.

Dagdag pa sa ulat, nangyari umano ang panggagahasa bandang alas-dos ng madaling-araw ng Sabado, July 15, sa condo na tinutuluyan daw ng singing champ sa Barangay Lahug, Cebu City.

Ayon pa sa biktima, sinaktan daw siya ng singing champ nang pigilan niya ang ginagawa nito.

Marami pa raw siyang detalyeng sasabihin kapag nakausad na sa korte ang kanyang reklamo.

Hindi rin daw siya makapaniwala sa ginawa sa kanya ng singing champ dahil magkaibigan sila.

Ayon pa sa biktima, “Wala ko nag-expect nga iyaha nang buhaton nako kay buotan man gud kay na siya, pero dili sad ko mosugot nga sayon-sayonon rako niya.” ["Hindi ko inakala na gawin niya yun sa akin dahil mabait siya, pero hindi rin ako papayag na tarantaduhin niya ako.”]

Ayon naman sa mga magulang ng biktima, hindi sila papayag na magkaroon ng settlement sa pagitan ng kanilang anak at sa singing champ.

Pahayag ng ama ng biktima, “Dili mi gusto nga duna pa siya’y laing mabiktima maong tinud-on gyud namo siya og kiha para makakuha mi og hustisya sa nahitabo sa among anak.” [“Hindi kami papayag na magkaroon pa siya ng ibang biktima kaya itutuloy namin ang aming reklamo sa korte para makakuha kami ng hustisya sa ginawa niya sa aming anak.”]

Humingi na ang PEP ng pahayag mula sa pamunuan ng It's Showtime, ngunit hanggang sa lumabas ang artikulong ito ay hindi pa sila sa sumasagot sa amin. 

Mananatiling bukas ang PEP sa anumang pahayag ng mga taong sangkot sa isyung ito.

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don't forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]- YOUTUBE


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.

Loading...
Vhanzkie7 Bitancur

Vhanzkie7 Bitancur

No comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.